More About Me...

I am just like any ordinary Filipino who wants to make a difference which can help my fellow countrymen be a better citizen in this country of ours the Philippines!

Another Tit-Bit...

Only In The Philippines features events, contests, news information that matters a lot to all people here in the Philippines

Pinoy differences between 'Mayaman & Poor"!

Kung mayaman ka, meron kang ‘allergy

Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay ‘galis’ o ‘bakokang

Sa mayaman, ‘nervous breakdown’ dahil sa ‘tension and stress
Sa mahirap, ‘sira ang ulo

Kung mayaman ka, ‘pneumonia’ raw ang sakit mo
Kung mahirap, ‘TB’ ’yon

Sa mayaman, ‘hyperacidity
Kapag mahirap, ‘ulcer’ dahil walang laman ang tiyan

Sa mayamang ‘malikot ang kamay’, ang tawag ay ‘kleptomaniac
Sa mahirap, ang tawag ay ‘magnanakaw’ o ‘kawatan

Pag mayaman ka, you’re ‘eccentric
Kung mahirap ka, ‘may toyo ka sa ulo’ o ‘may topak’ o ‘may sayad

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may ‘migraine
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay ‘nalipasan ng gutom

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is ‘scoliotic
Pero kung mahirap ka, ikaw ay ‘kuba

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay ‘morena’ o ‘sun tanned
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay ‘ita’ o ‘negrita’ o ‘baluga

Kung na sa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay ‘petite’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘pandak’ o ‘bansot’

Kung socialite ka, ikaw ay ‘pleasingly plump
Kapag mahirap ka, ika’y ‘tabatsoy’ o ‘lumba-lumba’ ...pagminamalas ka, ‘baboy’ pa

Kapag mayaman, ‘fasting’ ang hindi kumain
Kung mahirap, ‘nagtitiis

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay ‘socialite
Kung mahirap ka, ikaw ay ‘pakawala’ o ‘pok-pok

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay ‘liberated’
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo ‘malandi’

Kapag mayaman, ‘misguided’ o ‘spoiled’ ka
Kung mahirap ka, ‘addict’ o ‘durugista’

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo ‘single parent
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo ‘disgrasyada’

Kapag mayaman at sexy, ‘fashionable’ raw
Kung mahirap, sigurado ‘GRO’ o ‘japayuki’ ka

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, ‘vegetarian
Habang kakaawa ang mahirap na ‘ kumakain ng damo.’

Sa exclusive school, ‘assertive’ ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay ‘bastos!

Ang mayamang tumatanda, ‘are graduating gracefully into senior citizenhood
Ang mga mahihirap ay ‘gumugurang

Ang anak ng mayaman ay ‘slow learner
Ang anak ng mahirap ay ‘bobo’ o ‘gung-gong’

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay ‘patay-gutom

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo ‘expat’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘contract worker

0 comments:

Post a Comment



 

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Only In The Philippine!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

different paths

college campus lawn

wires in front of sky

aerial perspective

clouds

clouds over the highway

The Poultney Inn

apartment for rent